|
Costly Blunders: What To Do Part II
by Marlene Legaspi-Munar
http://www.febc.ph/stations/dzas/protips/index.html
Si George E. Robinson ay napalaya mula sa Ohio Penitentiary pagkatapos niyang makulong ng labindalawang taon, imbes na dalawang taon lamang dahil sa isang di malamang pagkakamali. Nang tanungin siya tungkol dito, sinabi niya, "Umamin ako agad dahil ang sabi sa akin makukulong lang ako ng isa o dalawang taon. Limampu't tatlong taon na ako ngayon, at ang labindalawang taong itinigil ko sa preso ay nasayang at hindi ko na maibabalik iyon." Marami sa mga nawala sa atin sanhi ng pagkakamali ang hindi na nga maibabalik, tulad ng panahon. Para maiwasan ang lalong paglala ng iyong sitwasyon, narito ang ilang mga bagay na dapat mong gawin upang maituwid mo ang isang pagkakamali.
First, admit your mistakes. Aminin mo ang iyong pagkakamali o kasalanan. Don't look for a scapegoat, o taong mapagbubuntunan ng sisi. Bagamat naimpluwensyahan tayo ng ibang tao sa paggawa ng hindi mabuti, hindi natin maaalis ang katotohanan na tayo pa rin ang nagdesisyon at gumawa ng bagay na hindi naman pala tama. Be aware of your limitations and imperfections. Be humble and admit your mistakes.
Second, accept the consequences. Lahat ng kamalian natin ay may masamang epekto. Some may have grave or serious consequences. Others may have lesser effects. Some blunders may be excusable, but there are offenses that deserves
penalty. Kung anuman ang kahihinatnan ng iyong ikinilos, dapat mong harapin.
Third, avoid comparing yourself with others. Maaaring ang ibang tao ay mas madaling makabawi after a failure. O di kaya naman ang iba ay tila mas magaling magdala ng problema. Remember na bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang
kakayahan at kahinaan. And each one of us must deal with unique circumstances in our lives. Instead of comparing yourself with others, try to learn from them. That brings us to another point.
Ask counsel from others. Yan ang pang-apat na bagay na dapat mong gawin. Lumapit ka sa mga taong mapagkakatiwalaan at may kakayahan para payuhan ka. A spiritual leader or counselor for example, can help you see things from a perspective which you are not aware of. Makakatulong ang objective na pananaw ng iba para
matulungan kang maiwasan ang iyong naging kamalian.
Finally, ask God to redeem you from your past mistakes. Ang Diyos ay mahabagin at bibigyan ka Niya ng biyaya para maharap mo ang iyong pinagdadaanan. Hilingin mo rin sa Diyos na ipakita Niya sa iyo ang mga bagay na maaari mong matutunan. Hilingin mo rin na bigyan ka Niya ng karunungan at lakas ng loob upang makapagpatuloy ka sa
iyong buhay. Be thankful for improvements that you see in your personal and career life. Don't dwell on the past, but be thankful for improvements that you see in your personal and career life. Smile and look forward to better days. |