|
Costly Blunders: What To Do (Part I) by Marlene Legaspi-Munar
http://www.febc.ph/stations/dzas/protips/index.html
All of us have failed at one time or another. Some leaders fail the test of integrity. Others fail to be a good example. Pero hindi lang mga leaders ang nagkakamali. Tayo ring mga ordinaryong miyembro ng iglesya, o empleyado sa upisina ay nakakagawa ng hindi tama. May mga pagkakataong hindi natin sinadyang gawin ang isang pagkakamali. Pero aminin natin na may panahong kahit alam na nating mali ang isang bagay ay tinutuloy pa rin natin. What's sad is that our blunders or mistakes can have great effects in our lives and the lives of others around us. Hindi na natin maibabalik ang panahon, pero may magagawa pa tayo para maiwasan ang mga kamaliang ito sa darating na panahon.
When you've made a costly blunder, the first thing to do is to ask God for forgiveness. Ang sabi sa 1 Juan 1:9: Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, maaasahan nating ipatatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin tayo
sa lahat ng ating kasamaan sapagkat Siya'y matuwid. Tunay ngang mapapatawad ng Diyos ang anumang kamaliang nagawa mo, o ang anumang paglabag mo sa batas ng Diyos at batas ng tao. God can also deliver you from bad habits or unhealthy work ethics if you will surrender your life to God and obey Him. With God's help, magagawa mong iwasan ang mga kamalian.
Pangalawa, forgive yourself. Kung tunay kang nagsisi, pinatawad ka na ng Diyos kaya patawarin mo rin ang iyong sarili. Don't go around carrying the unnecessary baggage of guilt and condemnation. Bahagi ng pagpapatawad sa sarili ay ang pagkilala sa iyong mga kahinaan. Ngunit kasama rin dito ang pag-asa na sa biyaya ng Diyos magagawa mong magbago. You can not move on and mend your ways if you do not forgive yourself. So forgive yourself for the mistakes you have committed gaano man ito kalaki.
Pangatlo, apologize and ask forgiveness from those whom you have wronged. Dapat lang tayong humingi ng tawad sa mga kasamahan nating nasaktan o nagawan ng pagkakamali sa trabaho, sa bahay, sa iglesya o sa komunidad. Karaniwan ng practice sa mga diyaryo at magazines ang paglalabas ng erratum hindi lang para ituwid ang maling pagkakalimbag ng naunang impormasyon, kungdi para humingi rin ng dispensa ang nasabing diyaryo at magazine. Noong 1967, naglabas ng isang declaration ang United Church of Christ (Kyodan), ang pinakamalaking Protestant denomination sa Japan noong panahong iyon. In that declaration the United Church of Christ publicly condemned the Church's guilt and
complicity in World War II. Sa deklarasyong iyon inamin nila na ang iglesya sa Japan ay aktibong nakiisa sa giyera kaya't hindi nito
napanindigan ang kadalisayan ng pananampalataya. Although the damage has been done, a public apology somehow helps ease the hurt done to others and helps rebuild the affected person's reputation.
How we wish we don't commit any careless mistakes and most especially costly blunders. But when you do we hope you'll bear in mind our tips for today. Tune in tomorrow for more practical tips on what to do when you commit a blunder dito lang sa Protips. |