After a Break: Reclaiming Your Position
by Marlene Legaspi-Munar
http://www.febc.ph/stations/dzas/protips/index.html
Anong masasabi mo sa isang manlalarong dating number one ngunit bumagsak sa ranggong 141
st sa buong mundo, ngunit pagkaraan ng ilang taon ay nakabalik muli sa puwesto niya bilang number one player in the world? Kahanga-hanga, hindi ba? I'm talking about Andre Agassi, the 32 year-old tennis player who's only one of the five players in the world who have won the four major professional tennis tournament: the Australian Open, the French Open, the Wimbledon, and the US Open. Taong 1992 nang unang manalo sa Wimbledon sa Great Britain si Agassi. Pero pagkatapos niyang maoperahan noong 1993, bumaba ang ranggo ni Agassi dahil hindi siya gaanong nakapaglaro. Pero muli niyang itinuon ang sarili sa pagpapraktis at kumuha siya ng panibagong coach, si Brad Gilbert. At noon ngang 1994, nanalo siya sa US Open. Noong summer Olympics ng 1996, napanalunan naman niya ang gintong medalya sa
larangan ng tennis.
But after a wrist injury in 1997, Agassi did not play in many tournaments. Dahil dito, bumagsak muli ang ranggo niya sa 141 sa buong mundo. Akala ng marami ay katapusan na ng career ni Andre Agassi. Pero muling nakabangon si Agassi and by the end of 1999, he reclaimed his former position in the tennis world: he ranked number one again. Hanggang ngayon, isa pa rin si Agassi sa mga nangungunang tennis players sa buong mundo. Ano ang sikreto ni Andre Agassi at nagawa niyang makabawi pagkaraan ng ilang pinsala?
First, Agassi was
determined and persistent. Desidido si Agassi na makabalik muli sa paglalaro ng tennis at hindi lang basta maglaro, kungdi manalo. Sa kabila ng kanyang injury at iba pang personal struggles, sinikap pa rin niyang pagbutihin ang paglalaro ng tennis na sinimulan niyang laruin bilang propesyon nung siya ay labinganim na taong gulang pa lamang.
He was not only determined and persistent, but he was also
humble. Ang iba marahil ay tuluyan nang mahihiya at mag-e-exit na lamang kapag bumulusok ang kanilang ranggo. But not Agassi. He acknowledged that he needed help so kumuha siya ng panibagong coach na tumulong sa kanya upang makita ang kanyang kahinaan at mapagbuti pa ang kanyang paglalaro. He was also willing to start from scratch. Sumali siya sa mga small tournaments na hindi na kinocover ng ESPN o CNN Sports, hanggang sa manalo siya sa mga better known tournaments at makaabot siya sa major tournaments.
The Bible says, "Humble yourselves under God's mighty hand that He may lift you up in due time." If you have been down and out, huwag kang mawalan ng pag-asa. Ang Diyos na nagbibigay ng kapangyarihan at posisyon ang Siya ring Diyos na bumabawi at nagbibigay muli. If you humble yourself before God, and if you are determined and persistent, you can get back to your work or to your position. Injuries and other struggles may hinder you for a while, but God's hand can put the spring back in your life.