Search the web
Sign In
New User? Sign Up
upvisayas_badminton · UPV Badminton Club
? Already a member? Sign in to Yahoo!

Yahoo! Groups Tips

Did you know...
Hear how Yahoo! Groups has changed the lives of others. Take me there.

Best of Y! Groups

   Check them out and nominate your group.
Having problems with message search? Fill out this form to ensure your group is one of the first to be migrated to the new message search system.

Messages

  Messages Help
Advanced
ENHANCING EFFECTIVE NEGOTIATION SKILLS PART 4   Message List  
Reply | Forward Message #344 of 366 |
 

ENHANCING EFFECTIVE NEGOTIATION SKILLS PART 4

by Maloi Salumbides

http://www.febc.ph/stations/dzas/protips/index.html

 

 

Pag negosasyon ang pinag-uusapan naririnig nating ang mga terms na bluffing, ay deception, ay hindi

naman totoo iyang sinasabi niya nagblubluff lang iyan para makuha iyong kanyang gusto. Meron ba

talagang room ang bluffing and deception pagdating sa effective negotiation? Tanunging natin si Atty.

Aldwin Salumbides. Sa tanong na is there a room for bluffing? Unfortunately, there is a room kasi

maraming gumagawa ng ganyan, maraming nangbobola pero ang sigurong dapat nating itanim sa isipan

natin, is it an effective negotiation tool o iyong bluffing, iyong pangbobola, pangdaraya. I would say na

kapag ganyan ang strategy ng negotiator, baka hindi maging matagumpay ang kanilang ninenegotiate,

baka maging failure ang kanilang negotiation. Siguro sa simula ay makuha nila ang kanilang gusto but

eventually if they will build a reputation na ay nangblubluff lang iyan baka iyong susunod na

negotiations niya ay hindi na maging ganoon katagumpay. Come to think of it, papaano iyong mga

bagay na iyong pinangako ay hindi mo naman mapangatawanan. Siyempre kapag hindi nagkatuluyan

ang usapan dahil hindi mo naisagawa iyong mga action points mo at iyong mga binigay na concession

ay what is keeping the other party from also reneging or breaching their respective agreement. Iyon ang

pwedeng maging downside if bluffing becomes your way to negotiating. Kaya ang strategy na gusto

naming i-encourage para sa inyo na gustong madevelop pa ang inyong negotiation skills ay the strategy

of sincerity. Sa isang negosasyon kasi hindi puro salita o laway ang puhunan diyan kailangan you have

to be ready to back-up your words with concrete action. Kapag sinabi mong ganito ang handa naming

ibigay ay talagang totoo at kapag sinabi mong ito ang gagawin ko ay mayroon kang awtoridad na i-bind

iyong principle mo o talagng mangyari iyong mga bagay na nilalahad at pinapangako mo kasi kung

hindi you will walk away from the negotiation, you will walk away from the table as enemies rather than

friends. Imbes na nagkakamay kayo na nagkakasundo kayo na ito meron tayong narating na deal ay

baka talagang nagwawalk-out iyong kabila dahil nakikita nila na hindi ka sincere at naandun ka lang

para manglamang at mangdaya. Ang bottomline ng successful negotiation ay hindi mo lang nakuha

kung ano ang iyong objectives but you end the deal or you end the negotiation as friends. Siyempre

papaano mo rin naman mapapasang-ayon iyong kanegosasyon mo kung hindi rin nila nakikita na ikaw

ay tapat at totoo sa mga salita mo. Talagang pumapasok iyong sincerity as a very effective tool in

negotiation. Kapag nakita ng kausap mo na talagng ikaw ay hindi nageexaggerate, na talagang sincere

ka na may gusto kang marating na outcome at pag sinasabi mong ito ay pabor sa inyo ito, ito medyo

delikado, tagilid na, mag-aabono na ako dito, kapag nakita nila na totoo iyong sinasabi mo ay sige, sige

dadagdagan na natin ang ating inooffer dahil hindi rin maganda na malagay ka sa alangin. Sa kabilang

dako, kapag naman alam na alam ng mga kausap mo na ikaw ay hindi totoo ay talagang they already

approach you with all their defenses up. Talagang pinagdududahan ka na all throughout kahit sabihin pa

natin na nagsasabi ka na ng totoo this time, kung nakita nila na talaga ikaw ay nagsinulangin at nanloko

sa kanila, sa ibang bagay na dating napag-usapan ninyo ay baka talagang apektado na iyong kredibilidad

mo doon sa negosasyon ninyo. Importante para sa mga effective negotiators, never compromise your

integrity and your reputation. Kailangan i-preserve ang iyong character kasi hindi ka lamang isang

beses ka makikipagnegotitate. Tandaan natin maraming beses nating gagamitin itong negotiation skills

na ito. Dapat din nating malaman na kapag tayo ay appointed negotiator tayo ay representative din o

kinatawan ng kumpanya na talagang pinaglilingkuran. Papaano kung ang klase ng imahe o impression

na nagegenerate mo sa mga kausap mo ay negatibo baka isipin nila pati ang boss mo at iyong

kumpanyang pinagtatrabuhan mo ay marumi din dahil ganoon din ang personalidad na dala-dala mo.

Kaya importante kahit na mahirap sa mga panahong ito importante pa rin na that we espouse and we

practice the strategy of sincerity when negotiating.

 
Be a blessing in the workplace today.


New Email addresses available on Yahoo!
Get the Email name you've always wanted on the new @ymail and @rocketmail.
Hurry before someone else does!

Sun Jul 5, 2009 2:51 pm

goldentreval...
Offline Offline
Send Email Send Email

Forward
Message #344 of 366 |
Expand Messages Author Sort by Date

ENHANCING EFFECTIVE NEGOTIATION SKILLS PART 4 by Maloi Salumbides http://www.febc.ph/stations/dzas/protips/index.html     Pag negosasyon ang pinag-uusapan...
Shiela S. Villamor
goldentreval...
Offline Send Email
Jul 5, 2009
2:52 pm
Advanced

Copyright © 2009 Yahoo! Inc. All rights reserved.
Privacy Policy - Terms of Service - Guidelines - Help