|
“More Top
20+ Signs of a Pinoy Flick” http://ph.news.yahoo.com/star/20090202/tel-marian-s-body-language-says-it-all-dd408b0.html 1. Kahit first time lang
makahawak ng baril ang leading lady ay asintado ito sa barilan 2. Laging nakakarinig ng “putok ng
baril” ang kontrabida kaya natitigilan siya sa pag-rape sa leading lady.
Dialogue niya, “Anong putok yun?! Halughugin ang buong lugar!” 3. Naka-leather jacket lagi ang
kontrabida kahit Mayo at tanghaling tapat. 4. Kahit miyembro ng
malaking sindikato at milyones ang kita nila, asahan mong bulok ang getaway car
nila (muscle car na Mitsubishi o Toyota dahil pasasabugin yun ng mahiwagang
baril ng bida.) 5. Sobrang hinhin ng
leading lady pero daig pa ang porn star kapag love scene na. 6. Napakalakas ng
bida at kayang sugurin ang 30 miyembro ng sindikato kahit mag-isa lang siya. 7. Laging sa kaliwang braso ang tama
ng bida pag nababaril (bawal sa ulo o sa puso). 8. Laging sa abandonadong
building o lumang tambakan ng bus ang hideout ng kalaban. (instruction niya
lagi na huwag mag-sama ng pulis ang bida). 9. Maluwag ang
pagkakatali sa bihag ng sindikato kaya nakakawala ito at nakakakuha ng pambambo/pamalo
(palo china o dos-por-dos na gawa sa styrofoam). 10. Gasgas na gasgas na ‘to: Huling
darating ang mga pulis para damputin ang mga kalaban. Kakausapin ang bida para
magbigay ng pabuya. *
* * 1. Yung mga goons or
stuntmen laging naka-maong or leather jacket kahit sobrang init. 2. Hindi hinihintay yung sukli kapag
nagbabayad sila. 3. Kapag kailangan ng taxi, papara
lang meron na kaagad. 4. Sa pag-uusap ng
characters lalo na kapag seryoso, ang umpisa lagi ng linya ay “Alam mo...” 5. Hindi nawawala ang
eksena na nasa hospital. 6. Sa drama, halos
lahat yata ng scene may iyakan at pag-emote na luhaan. 7. Hindi pa man
sinusuntok ang kalaban, mapapansin mong umiilag na siya. 8. Kapag mamamatay na
ang isang character, ang tagal malagutan ng hininga at ang daming sinasabi o
habilin. 9. Usually ang bidang
babae na mahirap lang na nakatira sa squatter’s area ay sobrang kinis, maputi,
maganda at may kolehiyalang accent. 10. Ang hinuling leading
lady ay hawak ng magkabilaang goons sa dalawang braso, pero nagpupumiglas siya
ng todo kahit hindi naman siya kinakaladkad at sumisigaw ng, “Bitiwan n’yo ako!
Ano ba, nasasaktan ako!” 11. Nagpapaalam ang luhaang babae
kay lalaki na siya ay lalayo at di na muling makikipagkita pa. Hahabol ang
lalaki habang sinisigaw ang pangalan ng babae, mapapagod sa kakatakbo, iiyak at
mapapaluhod habang sinasabing, “Mahal kita.” 12. Ang kontrabidang babae na mayaman
ay may magandang assistant or helper sa bahay. Ma-i-in love ang lover. |
Get your new Email address!
Grab the Email name you've always wanted before someone else does!