Ito ay isang grupo ng mga taong magkakaiba ang ugali at trabaho na ang gusto sa buhay ay makapaglaro ng BADMINTON. Nagkita kita lang sa badminton court ang mga taong nasa grupong ito at nagyaya ng mga kaibigan na mahilig ding magbadminton para magtayo ng isang grupo tulad nito.Ang pangalan ng grupo ay PALO BADMINTON TEAM na ang layunin ay maglaro ng badminton, sumali sa mga torneyo at patunayan sa sarili at sa ibang tao na may talento ang bawat isa dito sa grupo na ito. Barkadahan isa pang layunin ng grupong ito pero dahil na rin sa badmintin, gusto rin namin na makilala kami sa larangan ng badminton. Hindi namin alam kung hanggang kelan kami maglalaro basta sa amin laro ng laro, sali lang ng sali sa torneyo at gusto namin maging masaya kami. Itong grupong ito ay para lang sa mga miyembro at kakilala ng mga miyembro na.PALO LANG NG PALO