Search the web
Sign In
New User? Sign Up
BBE
? Already a member? Sign in to Yahoo!

Yahoo! Groups Tips

Did you know...
Show off your group to the world. Share a photo of your group with us.

Best of Y! Groups

   Check them out and nominate your group.
Having problems with message search? Fill out this form to ensure your group is one of the first to be migrated to the new message search system.

Messages

  Messages Help
Advanced
Fwd: Ang Pinoy nga naman!!!!   Message List  
Reply | Forward Message #36 of 285 |

Note: forwarded message attached.


__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com

Tue Aug 29, 2006 5:56 am

kahiloss
Offline Offline
Send Email Send Email


Ang galing ni Bebeng!!!

Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina na
nagpagamot doon. Namatay ang ina
nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si
Bebeng. Pinauwi na lang niya
ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang
mukha ng ina sa salamin ng
ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan...
hindi sila marunong mag-ayos ng
bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng inay."

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba! May sulat
na-nakastaple sa dibdib ng
ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay
Bebeng:

Mahal kong tatay at mga kapatid:

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa
Pilipinas dahil napakamahal ng
pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko
nang isipin pa ang eksaktong
halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...

Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte at isang
dosenang spam. Ang adidas na suot ni
nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng
dalawang asul na Jansport na
backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.

Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay.
Para sa mga bata ito. Bahala na
kayong magparte-parte. Sana'y hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na
yapos-yapos ni nanay ay para
sa bunso ni ate. Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit
bag ay para kay Nene.

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon
trading cards at stickers.
"Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old
Navy t-shirts. Ang isa ay para
kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan
sa fiesta.

Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga
dalaga kong pamangkin. Isuot
nyo sa party.May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa
inyo, itay, kuya, dikong,
Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong
isa ay kay Pareng Tulume.

Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din
ni nanay ay para sa mga anak
mo, diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at
Winston red ang nasa pagitan
ng mga hita ni nanay.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang
Kiwi glass cleaner at
tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay.
Hati-hati na kayo, huwag
mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra (Victoria's Secret ata ang tatak)
gustong-gusto ni Tiya Iskang society natin,
suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na
lipstick lang ang kasya sa bra.
Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike
na wristband. Kunin mo agad,
Itay.

May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759
dollars. Hindi na ako nakatakbo
sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.

Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay si
Tatay may pambili na ng
ataul.Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail
cutters) nagustong-gusto
mo, ditse, ay suot- suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse.
Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay
bakla sa kanto.

Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3
diyamante sa bawat butas. Ibangon niyo
lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang
siguro ng ulo.

Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si
nanay pa ang maiwan. Basta
parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat
ito. Bahala na kayo kay nanay.
Pamimisahan ko na lang siya rito.

Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email
ko. Paki-double check ang lista
kung walang nawala sa mga ipinadala ko.
Nagmamahal,
Bebeng


==============================================================================






Want to be your own boss? Learn how on Yahoo! Small Business.

Sat Aug 26, 2006 1:31 pm

clarloayon@...
Send Email Send Email
Forward
Message #36 of 285 |
Expand Messages Author Sort by Date

Note: forwarded message attached. __________________________________________________ Do You Yahoo!? Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection...
yorge inobio
kahiloss
Offline Send Email
Aug 29, 2006
5:57 am
Advanced

Copyright © 2009 Yahoo! Inc. All rights reserved.
Privacy Policy - Terms of Service - Guidelines - Help